Anu nga ba ang pakuhulugan ng salitang “kaibigan” o “friends”.
Minsan,natatanong ko sa sarili ko, pwede kaya ako magkaron ng best friend o ng mga totoong kaibigan. Ako kasi ang tipo ng tao na madaling ijudge sa kung paano ako kumilos,magsalita at magisip. Pero ganun na ata talga ang buhay e. Likas na sa mga tao ang manghusga at manlait sa kung anu nakikita nila sa iyo physically.
Immune na ako sa ganun! Bata pa lang, bugbog na ako sa mga ganyang experience. Pero I know God’s favor is with me. Ang lage ngang wika ng aking butihing ina sa tuwing uuwe ako sa aming bahay kubo at umiiyak gawa ng mga ganung bagay.
“ Ang taong nagpapakataas ay ibinababa ng Diyos at ang nagpapakumbaba ay Siya namn niyang tinataas.”
Na hanggang ngaun patuloy ko pinaniniwalaan at pinaninindigan. Ganyan tlaga ang life. Hehe..=)
I have lot of friends. They were like pebbles on the seashore I picked up along the way of my life. Parang Survivor Philippines lang din. Sa pagtagal ng panahon, unti unti kong nakikita kung sino nga ba ang magtatagal hanggang sa huli. Sino ang maiiwang kasama ko sa takbuhin ng buhay. Thanks God, I am starting to see those people that are true to me.
And they are…..
Someone who knows the song in my heart and can sing it back to me when I have forgotten the words.
They are the people whom I haven’t known since pre-school, but it doesn’t matter at all. They are the one I can go to for anything. They cheer me up whenever I am down and feeling blue. They listen to me when I have a problem and help dry the tears away from my face. They take away my sorrow and put happiness in its place. ;)
Isa akong tao na kulang sa atensyon. Wala ako kaclose sa aming bahay. In short I am a LONER. Di tulad ng iba na kapag unica hija ka, you got all the favors and closeness of your loved ones. Sad to say, I don’t belong to them. Ako ang tipo ng tao na kapag nasasaktan, magkukulong sa kwarto. Pag tinanong kung ano ang dahilan. Sasagot ng “ok lang ako”. “wla po ako problema”. Ewan ko ba! Ganito ako e. Mapagpanggap. Kahit nasasaktan na ako ng sobra sobra, pinipilit ko magpanggap na malakas at masaya. Madalas nasa kwarto lang ako, nag deday dream, lumilikha ng mga bagay na tulad ng binabasa mo ngaun.
Naghahanap ako ng atensyon at pinipilit ko abutin ang mga tao na sa palagay ko ay magpupuno ng puwang na tulad ng nasambit ko. At sila ang tinatawag kong KAIBIGAN.
Kaibigan na hindi titingnan ang kahinaan mo upang lalo ka manghina, sa halip tutulungan ka na maovercome ang mga yun.
Kaibigan na sasabihin sa ‘yo kung may uling ka sa mukha at hindi sila ung mga tao na hihilamusan ka pa ng uling para tuluyan ka maging tampulan ng tukso at panlalait.
Kaibigan na paiiyakin ka sa tawa.
Kaibigan na handa ka ipaglaban sa kung kaninuman na nang aapi sayo.
Kaibigan na magpapaka SUPERMAN o WONDERWOMAN, masagip ka lang sa panganib.
Hinde ba’t kay gandang isipin na may mga kaibigan tayo na kahit hindi naten nakakasama madalas ay pinag uugnay pa rin tayo ng pisi ng wagas na pagkakaibigan. Nakaukit sa kanya kanyang puso ang salitang “damayan”. At kahit hinde madalas naten makausap, isang lapit mo lang, anjan na sila upang makinig sa mga kwento mo na minsan ay paulit ulit na lang.
Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, ung mga tinuturing naten kaibigan ay totoo. Un iba, balat kayo lang but for me, I don’t care about that reality. As long as I’ve been true to them, there’s no need for me to be guilt and felt so bad for so long. I’ve been good to them and when God checked on me and asked: How are you with your friends?”
I can say to Him. “I’ve been very honest, sincere and good to them my King, my Father.”
Magulo ang ideya ng obra kong ito.
Para sa mga makakabasa nito, salamat sa panahong iginugol mo upang alamin kung sino nga ba ang aking mga kaibigan. At kung isa ka sa kanila, SALAMAT at pinahintulutan mo ako na maging bahagi ng buhay mo. SALAMAT at ginamet ka ni Lord para kahit papano ay may makausap ako at mabawasan ang pagging emotera at loner ko.
Simple lang di ba? Pero ang totoo, this craft is to all the people whom I considered as my friends and also to the people who considered me as their friends.
I guess this is my way of saying thanks to you guys. For catching me when I fall and for laughing with me till we fart when I earned happy stories.
Thanks once again for being such a good friends and being there with me through it all. All of you, (can’t site the names anymore) are God’s blessings and you’ll always be with my prayers.
No comments:
Post a Comment