Oh heto ka na naman, kaharap na naman kita. Nagmamadali na pumindot sa mga letra upang mailabas ang mga pakiwari at saloobin.
Duguan ka ba? Nakita ko!
Andyan oh. Naramdaman kita. Nanghihina ka. Ayos lang yan. Ganyan talaga ang
buhay. Minsan di maunawaan. Pero ang mahalaga buhay ka pa din. Malakas ka at
kaya mo yan.
Anong nangyari? Bakit iyak
tawa ka dyan? Ganyan naman talaga ang buhay e.
Sige lang. Maano't ano ay
lilipas din yan. Kilala kita. Mapagpanggap ka e. Dinadaan mo sa lakas ng
halakhak at mapungay mong mga mata. Sinasabi ko na nga ba e. May problema ka no. Eh ano pa bang bago? Ang malakas na sundalo, lage sumusuong sa digmaan. Full-armored ka
naman kase lage. Lage mo kasama ang sundalo ng lahat ng sundalo, ang hari ng
mga hari. San ka pa?! Di ba?
Pagpatuloy mo lang yan. Feeling mo inaapi ka. Hindi ah. Lahat ng
nangyayare sa buhay mo, may dahilan. Sa bawat hikbi, may panyo. Sa bawat
pagkadarapa, may band-aid. Sa bawat unos, may payong. HAHA! May pagkapilosopo
pa? Pinapatawa lang kita. Ikaw naman.
So paano? Iwan muna kita.
Alam ko kakausapin mo ulit ako sa mga darating pang araw! Ikaw
pa. Kasannga mo ako e.
Ngiti na.
"And let us not be weary in well doing: for in due season we
shall reap, if we faint not."
Galatians 6:9
ycelah_1813
4/20/13
No comments:
Post a Comment