Tuesday, April 2, 2013

ORIGAMI



Masyado tayo nagpapataasan ng ihi?!?  Nagpapaligsahan sa pagpapalitan ng maaanghang at mabulaklak na salita.

Hindi na tayo mga bata para maglaro ng pahabaan o patagalan. Pahabaan ng pag-iinarte o patagalan ng paghawak sa pride?!!

Gusto ko magpakalayo layo! Umakyat ng bundok! Sumigaw sa tuktok. Magbasag ng plato. Pumunta sa gym at sumuntok ng sumuntok sa punching bag! Gusto ko maglaho muna.

Madami tumatakbo sa isip ko! Gusto ko lang magbulalas ng saloobin ko. Wala ako matakbuhan kaya ikaw ang nilapitan ko: titik, ideya, obra likha ng mapanlinlang na emosyon.

Napapagod na ako. Gusto ko sumuko na! Mahimlay at hayaan dalhin ng lalim ng lupa sa kaibutaran ng walang hanggang kapayapaan.

Nakakapanghina na makipagpaligsahan sa sarili. To beat the old you and be a better version of yourself. Ang dami pang kailangan baguhin. Ang dami pang dapat gawin.

Nakakatakot kung saan ako dadalhin ng mga sinasabi ko. Kung saan ako ipapadpad ng pagtakbo ng aking imahinasyon.

Basta ang alam ko!
Ganito ako.
Ganyan ka.
Tao tayo. Nagkakamali. Nakakasakit. Natututo.

Ikaw na Ama ang bahala sa akin at sa mga darating pang mga araw. Mahina ako at walang kakayahan! Palyado madalas ang mga desisyon kaya hawakan Mo ang palad ko. Sabayan Mo ako sa paghakbang. Eto ang sagwan ko. Sa Iyong kumpas ako’y susunod.


#impediment #cascade #vague #justread

ycelah_1813
april 04,2013
2:57 pm










No comments:

Post a Comment