Saturday, April 20, 2013

PALAISIPAN



Oh heto ka na naman, kaharap na naman kita. Nagmamadali na pumindot sa mga letra upang mailabas ang mga pakiwari at saloobin.

Duguan ka ba? Nakita ko! Andyan oh. Naramdaman kita. Nanghihina ka. Ayos lang yan. Ganyan talaga ang buhay. Minsan di maunawaan. Pero ang mahalaga buhay ka pa din. Malakas ka at kaya mo yan.

Anong nangyari? Bakit iyak tawa ka dyan? Ganyan naman talaga ang buhay e.

Sige lang. Maano't ano ay lilipas din yan. Kilala kita. Mapagpanggap ka e. Dinadaan mo sa lakas ng halakhak at mapungay mong mga mata. Sinasabi ko na nga ba e. May problema ka no. Eh ano pa bang bago? Ang malakas na sundalo, lage sumusuong sa digmaan. Full-armored ka naman kase lage. Lage mo kasama ang sundalo ng lahat ng sundalo, ang hari ng mga hari. San ka pa?! Di ba?

Pagpatuloy mo lang yan. Feeling mo inaapi ka. Hindi ah. Lahat ng nangyayare sa buhay mo, may dahilan. Sa bawat hikbi, may panyo. Sa bawat pagkadarapa, may band-aid. Sa bawat unos, may payong. HAHA! May pagkapilosopo pa? Pinapatawa lang kita. Ikaw naman.

So paano? Iwan muna kita. 

Alam ko kakausapin mo ulit ako sa mga darating pang araw! Ikaw pa. Kasannga mo ako e.

Ngiti na.

"And let us not be weary in well doing: for in due season we shall reap, if we faint not."

Galatians 6:9

 ycelah_1813
4/20/13

Sunday, April 7, 2013

Naisip lang namin...

April 06, 2013 marked another memorable day for me.

Let me share to you what made this day so extraordinary. >:)

1. SAVE OUR BELLE Fun Run. It's my first time ever to do a fun run! And this is so special because it's a run for a cause: to save a child's life and I'm so happy my friends and co-LAGS members joined me. Un totoo? 1k ba ycelah o 3k ang sinalihan mo? Un totoo? Tumakbo ka ba o naglakad? HAHA. Pero I really enjoyed kahit hindi ko kinareer. Hindi tuloy ako nanalo ng peanut butter at mug! :)



2. Ang unplanned na gala ang natutuloy talaga. Hanap agad na magagalaan along the vicinity. Ika nga eh   grabbed the opportunity since asa Laguna area na kami. First choice: ECOPARK? Wow ha! Ang lapet ng QC sa Laguna. Hehe. Second choice: TAGAYTAY? Eh syempre third home ko na ang tagaytay, chill lang ako kung matutuloy o hindi. Third choice: BASAGAN DAW NG PINGGAN NEAR UPLB. Ang layo, this one will took 1 hour of travel from Binan. Fourth Choice: CALAMBA, sa BAHAY daw ni RIZAL. Pre-historic area lang ang peg. Haha. FINALLY! Final Choice: NUVALI. Wise choice kase malapet lang and walang entrance fee.


3.May Pizza na ngaun sa Kenny Rogers. Oh well, unconsciously I made a big blooper. And what makes it more funny! Saka ko lang narealize na mali ang na tag ko na place sa FB status update ko. Instead na Shakeys, Kenny ang nalagay ko na location! Sobra tawa ko dito. As in! Asa Razon's na kame saka ko narealize na sa Shakeys nga pla kame kumain. Kaya ang malaking tanong, kelan pa nagkaron ng pizza sa Kenny?! Siguro nun oras din lang na yun! Specially made for me. HAHA. :D



3. Ang mga kakaibang kame. Ang pumara ng tricycle sa gitna ng high-way. Ang maglakad sa pathway na madaming talahib. Ang alamin kung paano ginagawa ang man made na ilog. Ang mang trip sa driver ng nuvali na service. Ang iconclude na may mga birds sa bird sanctuary. Ang ma amaze sa mga building at sa boat riding. Ang iimagine ang sinasakyan tricycle ay mababangga, ano at paano ang strategy gagawin para wag maipit ng babanggang sasakyan. Ang pag-usapan ang eleksyon, pulitiko, trapo, buwaya sa gobyerno at mga mamamayang Pilipino. Ang utusan bumili ang driver ng van ng mineral water. At syempre ang walang kamatayan picture taking. BOW to us. hehehe.




On top of this, I found joy in every piece of the pavements we saw and in every rides and walks we made. I felt the blessing of life, friends and opportunity to lend a help to others. I thank God for giving me a circle of friends who are GOD fearing and easy to go along with. I must admit I am not perfect person. I have cover ups and cover downs. I have tantrums and petty arrogance acts. But still, GOD is giving me bunch and bunch of good friends. So as they touched my life,I hope I did the same thing to them too.

As I end this note, I want to offer also a short prayer for Baby Ananiah Isabelle Asilo Espeleta. She is a baby of my previous officemate. A baby diagnosed with Biliary Atresia and needs to undergo a 4 million operation. May this be your prayer too as you ended reading this craft. Please also include  her and her family in your prayers. :)

"Oh, Heavenly Father. First and foremost. I'd like to thank You for the gift of life you've given to Baby Belle. We believe, You have greater purpose of bringing her here at Earth. It's for us to open our hearts and hands to help to save her life. We know, You are the God of all the possibilities. Nothing will be big and hard for us if we  will fully give our hope and faith to You. You are the God who provides and the God who heals. We believe she has healed already by the stripes and wounds that Jesus got from the Calvary. We believe the financial and physical operation will be successful in the name of Your Son, Jesus Christ. Amen."

ycelah_1813
4-7-13
12:15 am





Tuesday, April 2, 2013

ORIGAMI



Masyado tayo nagpapataasan ng ihi?!?  Nagpapaligsahan sa pagpapalitan ng maaanghang at mabulaklak na salita.

Hindi na tayo mga bata para maglaro ng pahabaan o patagalan. Pahabaan ng pag-iinarte o patagalan ng paghawak sa pride?!!

Gusto ko magpakalayo layo! Umakyat ng bundok! Sumigaw sa tuktok. Magbasag ng plato. Pumunta sa gym at sumuntok ng sumuntok sa punching bag! Gusto ko maglaho muna.

Madami tumatakbo sa isip ko! Gusto ko lang magbulalas ng saloobin ko. Wala ako matakbuhan kaya ikaw ang nilapitan ko: titik, ideya, obra likha ng mapanlinlang na emosyon.

Napapagod na ako. Gusto ko sumuko na! Mahimlay at hayaan dalhin ng lalim ng lupa sa kaibutaran ng walang hanggang kapayapaan.

Nakakapanghina na makipagpaligsahan sa sarili. To beat the old you and be a better version of yourself. Ang dami pang kailangan baguhin. Ang dami pang dapat gawin.

Nakakatakot kung saan ako dadalhin ng mga sinasabi ko. Kung saan ako ipapadpad ng pagtakbo ng aking imahinasyon.

Basta ang alam ko!
Ganito ako.
Ganyan ka.
Tao tayo. Nagkakamali. Nakakasakit. Natututo.

Ikaw na Ama ang bahala sa akin at sa mga darating pang mga araw. Mahina ako at walang kakayahan! Palyado madalas ang mga desisyon kaya hawakan Mo ang palad ko. Sabayan Mo ako sa paghakbang. Eto ang sagwan ko. Sa Iyong kumpas ako’y susunod.


#impediment #cascade #vague #justread

ycelah_1813
april 04,2013
2:57 pm