Sunday, December 2, 2012

Remnant of Tomorrow!




Whom shall I blamed for another hard battle night against myself on going to sleep? Is it the chicken aroz caldo that I asked our househelper to cook for me kase nag crave ako bigla. Or maybe the calamansi juice extract that I drank kase nangangati lalamunan ko? Or maybe un 1 slide powerpoint pa lang ng lesson plan ko na ituturo ko kay robin? O pwede din siguru un wi-fi na naman sa bahay kase anytime anywhere in the house I can go online. Sino ba kase talaga? Siguru ung mga hormones at kun ano anong fluid sa katawan ko ang may dahil? O kaya ang malikot kong isipan na kun saan saan ako dinadala? Hayyy! Bottom line is hindeeeee naaaaaa naman ako makatulog. Grrrr! Hello eyebags na naman ang drama bukas at lazy body joints! Tsk.. Good thing about this was nakagawa na naman ako ng poem na may pag kaweird! I turned off my laptop, yes I did yet bb note is on the go kaya kahit nakahiga na sa kama ay nakasulat pa din ako ng obra! Cheden!..Please basahin nyo to.
Awa na. Haha. :D:D:D

Ipikit mu ang yong mga matang mapupungay
At saken ay sabay na humimlay
Sa aking mga braso ikaw ay dumantay
Tayo ay pansamantalang maglalakbay

Handa ka na ba iwan ang iyong mundo
At sumama sa pagbuo ng ating paraiso
Kung saan walang lungkot na mauuso
Kundi saya ang madarama sa bawat segundo

Talastasin mu ang nasa ng aking isipan
Ito'y ang makalayo sa mga malabong bugtungan
At matuldukan ang walang hanggang palatanungan
Nang malaya natin maihayag ang wagas na sumpaan

Dahan dahan mu iladlad ang iyong mga kamay
Dito lang ako na sabay na kakampay
Wag kang bibitaw, tayo ay magsasaysay
Sa iisang pag-ibig na sa atin ay nag-uugnay

Walang makakahadlang sa pag-abot ng pangarap
Dito ka lang, malapet na masuklian ang pagsisikap
Doon wala ng dusa,problema, sakit at paghihirap
Pulos saya at tawa ang aalingawngaw sa mga alapaap

Sige na nga ibitaw mo na lang ang 'yong braso
Ayos lang, siguro ay hanggang dito na lang ako
Pero pwede wag kang iiyak, pagkat itong mga puso
Natin ay doon nakatakdang muling mabubuo


elah_1813
12/03/12
1:32 am

2 comments:

  1. You've deprived sleep but at least you've been productive. Haha. Nice work! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks Jana..sleep deprivation leads to being productive yet make me sick too! hehe..

      mwahh! :)

      Delete