Hayyy..ako’y napabuntong hininga
Medyo parang may amoy pa nga
Napapaisip, napapanganga
Hihikab na hindi ang aking panga
Hindi ko makuha pero aking uunawain
Noo ko tuloy biglang napapakunot
Ayan na, pati nguso’y sumisimangot
Teka lang ha, ako’y bubwelo
At talagang parang hilong hilo
Sa kalahati’y sadyang kay gulo
Maano’t pa lalo na ang buo
Napapahikbi
na napapangiti
Sarili’y di
ko na naman mawari
Kay gulo ng
mga pangyayari
Parang kaysarap mawala ng sandali
Pwede kaya na
lumipad ako
Sa kaulapan ay
maglalaho
Papaimbabaw sa ulap at maglalaro
Kakalimutan ako nga pala'y isang tao
Siguro, pwede naman
ang ganun
Sige na libre
naman sumang-ayon
Pero ang totoo
naman talaga nyan
Ako’y
napapabuntong hininga lang naman
No comments:
Post a Comment