Astig!
Awesome!
Nakakatakot!
Enjoy!
Rock en roll! :DDD
Sa aking pagpunta sa Star City kasama sila bebe juvy at sir ylon , may sampung alaalala at karanasan ako na di makakalimutan. Tara! Alamin natin kung ano ano ang mga yon! :D
1. Na prove ko na ang mga biglaang lakad talaga ang natutuloy. Kahapon, Jan 05 ng magtext si bebe juvy na mag star city daw kame ng araw na yun. Hindi kame natuloy sa kadahilanang may work ako. Ni resched at naging Jan 06 na lang after namin sumimba.
2. Nasubok na naman ang pagka dora the explorer ko. Panic mode ako kase hindi ko alam paanu pumunta don mag isa. Sorry, hindi lahat ng cum laude matalino. Haha! Ako ang proof non. Bopings talaga ako pagdating sa directions. Kaya minessage ko pa si kikai kahit asa USA na sya,eh kaso late sya nakareply. Pati driver namen ke aga aga ay tinext ko pa. Hindi din nahuli sa listahan si google map. Pero ang pinaka da best na ginawa ko ay nagpray ako. Thank God, answered prayer kase nagsabay na kame ni sir ylon papunta don. Meeting place: baclaran.
3. Ang 2:30 naging 3:30! Oh ha. Filipino time. Peace bebe juvy. Ayown! Ang aga namin 2 pa lang andon na kame ni sir ylon. Naubos na pwede pag usapan. Nainip. Nangalay kakatayo, thank God dumating din.
4. Conquer your fear. Kase surf dance una namin sinakyan, ayun.. Ang bilis ko kinapitan ng takot. At ayoko na sumakay sa star frisbee nila. Grabe lang kase hindi pa ako sumasakay, pinapanood ko pa lang sila. Ayoko na. Nanginginig na ako. Eh kase ayoko maging KJ at gusto ko din maconquer fear ko at maexperience ang ride na yun. Gora na din ako. Thank God, I conquered that fear.
5. Ang matulala at maiwan sa pila. Haha. Lutang pa din sa rides na pagkataas taas, ayun naiwan ako. Un dalawa naman tawa lang ng tawa at di agad ako sinabihan. Mga tunay ko sila talagang kaibigan.
6. Ang mag split habang kumukuha ng rubber for slide sa Snow world. Buti na lang muntik muntikanan lang madulas at split lang ang peg ko kase lalo ako manlalamig sa hiya kun nangyare na magpaka mega dulas ako don. As usual un dalawa, tawa lang ang itinulong sa akin. Sabe sa inyo tunay ko talaga silang kaibigan.
7. Ang matakot sa buhay na tao kesa sa mga caricatures na nanakot sa Lagim ng Dilim at Mummy House. tawa lang ako ng tawa pagkakatapos ko magulat at umirit.
8. Ang gumala ng pamasahe lang ang dala. Eh kase 0 balance mula sa gastusin nun holidays. Pamasahe lang dala ko. Makapal na siguru mukha ko kase lage na lang ako nililibre eh kase natatapat talaga ang mga gala na wala ako budget kaya un. :(
9. Ang makakuha ng souvenir items.. Bet na bet ko si pooh. Touch na touch din ako kun panu ko nareceived un. As usual pooh will be my first apple of the eye. While walking I saw it and asked how much it is. Sadly, wala ako budget para don (please refer to number 7 for explanation). Pero the two of them shared money para lang maiuwi ko yun. Super saya ko. Thank God for another lovely stuff to keep.
10. I am forever blessed and always highly favored. Nakakatuwa lang kase God is keeping up in sending good and lasting friends and the two of them are included on my list. Pareho ko lang nameet sila sa facebook and because I love finding new friends, nakilala ko sila. So amazed how we've been comfortable to each others companionship. Thank You Lord. I may not gain all the riches of the world but I'll be forever rich on Your ways not on human's ways. Your ways are higher than ours. Your plans are bigger than us. I am one of Your chosen. I am blessed.
# think and type na naman ang peg ko. No more proof reading done.
# tag-lish mode.
# sorry pang text ang iba kong spelling. Sa BB note ko lang ginawa kase non hindi pa ako antukin.
ycelah_1813
01/06/13
12:55 pm

No comments:
Post a Comment