Sunday, May 8, 2011

UPOS...

Subalit sa nakararami, ang mabuhay pa ay mas mainam. Ang lumawig pa ang buhay sa mahabang panahon ay makabubuti rin. Ito ay totoo kung titingnan natin na ang bawat araw na dumaratal sa ating buhay ay pagkakataon upang makapag-impok pa ng kayamanan sa kalangitan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pamumuhay ng matuwid. (Matthew 6:20)


Ngunit kung ang hangarin na mabuhay pa ay dahil nais pa nating malasap ang mga inihahandog ng mundo, dapat tayong mag-isip-isip muli. Pagkat hindi hawak ng tao ang “kanyang buhay”. Any moment, maaari tayong maging upos o "kunin na ni Lord" ang sabi nga ng iba.


Takbo tayo ng takbo. Sige lang. Subukan pa natin magpakalayo layo sa anino natin na pinipilit nating takasan. Saan na nga ba tayo dadalhin ng ating mga yapak. Nasaan na ba tayo ngayon? Saan ka, ako, sila, tayong lahat patungo sa mundong ito?


Magulo ang mundong ito. Sabi nga sa Kanyang salita naparito ang kaaway upang manira at mangwasak. Darating siya na parang magnanakaw na ni isa sa atin ay walang nakakaalam.


Nakakapagod ang makipagdigmaan sa sarili nating alam. Nakakapanghina ang makipag unahan sa sarili nating ambisyon. Unti unti ka na ba nilalamon ng mundo? Sugod lang! Ano na ba ang laman ng isip mo? E kamusta ang tibok ng iyong puso? Maayos pa ba?


May isang katotohanan na di maitatanggi, katotohanang di maikukubli, na sa bawat araw na dumaratal sa ating buhay, sa bawat pagpalo ng oras, paglubog at pagsikat ng araw, darating ang panahon na magiging upos tayo! Sabi nga ng isang awiting ngayon ay nagiging himno sa isipan ko: “KUNG ANG LAHAT AY MAY KATAPUSAN, ITONG PAGLALAKBAY AY MAKAKARATING SA PAROROROONAN, AT SAYONG PAGLISAN…..



Maiksi lamang ang buhay ng tao. Sandali lamang ang ititigil natin sa mundong ito, kung kaya’t huwag nating sayangin ang bawat araw na idinurugtong ng Diyos sa ating buhay – let’s make the most of it.


Sabi nga ni Pablo: “For me to live is Christ.” Ang mabuhay ay para sa Kanya – ang ialay ang buhay sa Kanyang kaluwalhatian, ang sundin ang Kanyang mga Salita at gawin ang Kanyang ibig. Nang sa gayon, kapag dumating na tayo ay upos na, alam natin na kapaki pakinabang ang magiging upos natin.


Tandaan, ayaw man natin o gusto, darating ang panahong tayo’y magiging upos.

Ang tanong, handa na ba tayo? Kamusta ang magiging upos natin?


NAHIRAPAN AKO..DAME IDEA NA PUMAPASOK! NAGHANG PA ANG WORKSTATION KO...HAHAHA..:D

ENJOY READING..^^

LIFE:
USE IT FOR HIS GLORY..:)

ycelah_1813

5/2/11

NAINSPIRED AKO MAGSULAT GAWA NUNG KASUNO NATING NAGYOYOSI SA DYIP..=)

No comments:

Post a Comment